Paaralang Elementarya ng Roque B. Ablan magandang umaga!
Ang buong mundo
Kalamidad ay nararanasan
Kumikitil sa buhay ng bawat mamayan.
Pag-aalaga at pagkakaisa
Nating Mga Pilipino
Sadyang kinakailangan
Dahilan na ang tema
Nakasentro sa pagmamahal ng kalikasan at wika.
At bilang pampinid sa Buwan ng Wikang pambansa
mga mag-aaral sa Roque B. Ablan ay magpapakitang gilas
Pagpupugay sa Maykapal
Hudyat ng pagsisimula
Ang buong selebrasyon ay sa Kanya ialay.
Bb. Kirstein dela Cuesta
Ang mananalangin
Pagpugay sa Bandila
Ay pangungunahan naman
Ni Gng. Grace Guerrero
Mga bata, kapwa guro, mga magulang
Tayo’y magsitayo
Nirerespeto nating OIC sa Pagka Punong Guro
Pambungad na Pananalita
Kanyang ibabahagi
Gng. Merlita A. Espanol
Ating palakpakan
Maraming salamat po.
Handa naba kayo!
Ating bigyang daan
Sabayang pagbigkas
mga mag-aaral sa I-P
magpapakitang gilas
buksan ang puso
namnamin ang silakbo
awiting ibabahagi
mga mag-aaral sa I-T
palakpakan tayo!
Mapapaindak naman
Sa pagtatanghal ng mga I-M
Masigabong palakpakan naman
Bigyang daan mga mag-aaral sa ikalawang baitang
Sa pagbigkas ng tula
Sila’y magpapamalas
Una at ikalawang baitang palang yan!
Ang palabas ay nag-iinit na
Pagpapakitang gilas
Sadyang nakakamangha
Ngunit ang yung lingkod hindi papayag
Na walang tagisan ng katalinuhan
Mga tanong na inihanda dapat
100% kabisado nyo na
Bitin ba! Pagpapakitang gilas ng IIID
Ating bigyang daan
Sa pag-aawit siya’y bibirit ng todo
IIIL naman ay di papahuli
Sa pag-awit sila’y magpapamalas
Ng galing
Upang wika at kalikasan ay mapalaganap
Talento at husay ay ibabahagi
Aktibo bilang Pangulo
Ng PTCA sa buong paaralan
G. Napoleon Uy
Mga kaibigan tayo’y magbigay pugay
Aawitan tayo mga mag-aaral sa IV-O
Ating palakpakan
Katawan ay iindak
Kahusayan sa ballroom
Ipapamalas ng mga IV-P
Mga Katutubong kapatid
Ating parangalan
Sayaw etniko ng mga
Gr.V at VI
Bigyan ng Masigabong Palakpakan
Wika at Kalikasan
Biyaya ng Maykapal
Sa Kalikasan
Mga Mag-aaral sa Gr. VI
Ay magninilay nilay sa mga pangyayari sa bansa
ang sangay ng Filipino
iba’t ibang aktibidad na huhubog sa isipan at abilidad ay isinagawa
kinabibilangan ng pagpapanood ng isang dokyumentaryong pangkalikasan, paligsahan para sa pagsulat ng sanaysay at malikhaing paguhit ng poster.
Inaanyayahan ko po sina G. Uy, Gng Espanyol at mga guro sa Filipino para parangalan ang mga nagwagi sa mga patimpalak….
Pagsulat ng Sanaysay
Unang Gantimpala ay si kalahok bilang 10 Judy Ann Ganal
Ikalawang Gantimpala 4 Janine Mae Andres
Ikatlong Gantimpla 7 Angelica Facundo
Si G. Grace Manuel para sa pagguhit ng poster
Palatuntunan ay pormal na tatapusin
G. Cesar Bumatay
Para sa pampinid na pananalita
No comments:
Post a Comment